Uri Ng Pakikipag Talastasan
Uri ng pakikipag talastasan URI NG PAKIKIPAGTALASTASAN 1. Paglalahad Ang paglalahad ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin nito ay magpaliwanag. Sinasagot ito ng katanungang "bakit". Ito ay may dalawang uri. Ang una ay pagbibigay-kahulugan o katuturan, na pinapahaba ang ang definisyon para maintindihan at ito ang pinakakaraniwang uri ng paglalahad. Ang ikalawa ay maanyo o formal definition sa ingles na hango sa diksyunaryo. Sinasaklaw ng paglalahad ang pinakamalaking bahagi ng sinusulat, binabasa, aklat, diksyunaryo, manwal, aklat, dula, pelikula, komposisyong pangmusika at palatuntuning pangradyo. 2. Paglalarawan Ang paglalarawan ay isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay maipamalas sa kausap o mambabasa ang katangian, kulay, hugis, anyo at sukat ng isang bagay na nagsasaad ng kaibahan sa mga kauri nito. Ito ay nagbibigay buhay at kulay sa isang salaysay. Merong dalawang uri ng paglalarawan: Karaniwang paglalarawan at Masining na