Uri Ng Pakikipag Talastasan

Uri ng pakikipag talastasan

URI NG PAKIKIPAGTALASTASAN

1. Paglalahad

           Ang paglalahad ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin nito ay magpaliwanag. Sinasagot ito ng katanungang "bakit". Ito ay may dalawang uri. Ang una ay pagbibigay-kahulugan o katuturan, na pinapahaba ang ang definisyon para maintindihan at ito ang pinakakaraniwang uri ng paglalahad. Ang ikalawa ay maanyo o formal definition sa ingles na hango sa diksyunaryo. Sinasaklaw ng paglalahad ang pinakamalaking bahagi ng sinusulat, binabasa, aklat, diksyunaryo, manwal, aklat, dula, pelikula, komposisyong pangmusika at palatuntuning pangradyo.  

2. Paglalarawan

           Ang paglalarawan ay isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay maipamalas sa kausap o mambabasa ang katangian, kulay, hugis, anyo at sukat ng isang bagay na nagsasaad ng kaibahan sa mga kauri nito. Ito ay nagbibigay buhay at kulay sa isang salaysay. Merong dalawang uri ng paglalarawan: Karaniwang paglalarawan at Masining na paglalarawan.  

3. Pagsasalaysay

           Ang pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin ay mag-ulat ng mga pangyayari sa isang maayos na pagkakahanay. Ito ay tinutugunan ang mga tanong na sino, saan, kalian, at ano. May iba't ibang uri ng pagsasalaysay tulad nga palatalambuhay, pangkasaysayan, nagpapaliwanang, mga pangyayari paglalakbay, alamat at saysayan, at maikling kuwento.  

4. Pangangatwiran

           Ang pangangatwiran ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin ay makaakit sa mga sarili ar dahilan ng mga bagay. Ito ay isang paraan ng pagdepensa sa sarili. Ang pangangatwiran ay may dalawang uri: ito ay pangangatwirang pabuo (inductive reasoning) at pangangatwirang pasaklaw (deductive reasoning). Ang pangangatwirang pabuo ay nahahati sa tatlong bahagi: pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad; pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari at sa sanhi; at pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay.


brainly.ph/question/73916

brainly.ph/question/598185

brainly.ph/question/181756


Comments

Popular posts from this blog

Paano Nakilala Ni Laura Si Florante Kahit, Nakapagitna Pa Ito Sa Mga Sundalo

Ano Ang Pamamaraan Na Ginamit Ng Mga Pinuno Ng Thailand Upang Mapanatili Ang Kalayaan Nito?